Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Tampok

Sa Isang Tasa ng Kape

 Sa kabila ng mga ngiti,  ng mga tawa at halakhak.  Nagkukubli ang sakit,  lungkot at pighati. Kung kayang hugasan  ng isang tasa ng kape ang bawat hinanakit,  sama ng loob at lungkot,  pipiliin kong manatili  sa lamesang ito  at inumin ang bawat  tasa ng kape na nakahain.  Kung ang bawat higop sa tasa ng kape  ay magpapaluwag ng hininga  at magpapagaan ng loob, upang tunawin ang bawat luhang  gustong umalagwa't dumaloy,  aking nanaising ito  ay tuluyang dumaloy.  Subalit gaya ng kape,  ito ay may kanya kanyang timpla,  mapait, matamis, matabang at walang lasa.  Parang pag ibig mo  na minsan ay mapait dahil sa hinanakit,  matamis sa umpisa ng ating pagsasama  subalit unti unting tumatabang  at nawawalan ng lasa  sa paglipas ng panahon na kapiling ka.

Mga Pinakabagong Post

Dito sa aking Kamera